“Nasanay na ang mga Pilipino sa paggamit ng Ingles kung kaya’t ito ang inaasahang gagamitin sa iba’t-ibang larangan sa buhay. Hindi lamang ito tumutulong sa pagpapaunlad ng turismo ng bansa, ito rin ang kinakailangan sa patuloy na pagsulong ng globalisasyon.”Mula sa dyaryo, telebisyon, radyo at internet, mapapansin ang paggamit ng Ingles bilang paraan para ilahad ang mga mensahe sa mga tao. Nasusulat din sa wikang ito maging ang mga librong ginagamit sa pag-aaral. Kung kaya’t hindi nakapagtataka kung bakit marami ang nag-iisip na naghahari ang wikang Ingles.Kapansin-pansin ang malaking impluwensiya ng Ingles sa bokabularyo ng mga Pilipino, lalo na sa paggamit ng Taglish at Enggalog. Laganap ito lalo na sa mga mensaheng “text” tulad ng “dito na me” at “sino u.” Tinatawag ang ganitong penomenon na code- switching.Tunay na isang hamon sa wikang Filipino ang makasabay sa mga pagbabagong dulot ng modernisasyon para hindi ito matabunan ng mga dayuhang wika sa sariling bayan. Gaya ng sinabi ni Nadera, “sana masimulan muna ang pagkakaisa sa istandardisasyon. Tapos popularisasyon naman. Dapat pambansa muna. Sana pandaigdigan din balang araw.”
No comments:
Post a Comment