Thursday, September 15, 2016

Kahalagahan ng Wikang Filipino

Maraming tanong sa isipan ng isang tao, mga tanong na nakakaapekto sa bawat galaw, kilos, at desisyon nito. Sa paaralan nalalaman natin ang kahalagahan ng mga bagay-bagay katulad nalang ng wikang pambansa. Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malaya ito. Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika nagkakaintindihan ang lahat ng tao. Iba’t-ibang wika sa bawat lugar, komunidad, at bansa. Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino. Ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino, ano, at meron sila. Ang isang tao na gumagamit ng Wikang Filpino ibig sabihin isa siyang Pilipino pero bakit ang ibang Pilipino ay ikinakahiya ang kanilang sariling wika? Ito ba ang kanilang sinasabing mahalaga at mahal raw nila kanilang sariling wika ngunit kahit gamitin man lamang ito ay di magawa dahil sa mga masasamang ideya,at kuro-kuro na namuo sa isipan ng ibang tao o mga banyaga tungkol sa Pilipino na dahilan na ikahiya nila ang kanilang sariling wika. Nasa atin na ang desisyon kung magpapaniwala at magpapaapekto tayo sa mga ganitong bagay dahil tayo lamang mga Pilipino ang nakakaalam kung ano ang katutuhanan. Kung mahalaga talaga ang ating Wikang Pambansa gagaamitin natin ito kahit kailan at saan man tayo magpunta. 
Si Manuel L. Quezon ang tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”. Siya ang nangunang maghubog ng Wikang Pammbansa na Wikang Filipino. Marami tayong wika dito sa bansa katulad ng Cebuano, Boholano, Ilocano ,Tagalog, at iba pa. Marami tayong iba’t-ibang wika dahl sa archepilagong hugis ng ating bansa . Layu-layo ang mga lugar at isla na bumubuo nito . Hindi madali ang kay Mannuel L. Quezon at iba pangtagapamahala ng gobyerno na pumili at nagtalaga nang ating sariling Wika dahil maraming hindi desidido at hindi sang-ayon dito. Hanggang nakapagdesisyon na ang madla na nang magiging Wikang Pambansa ay ang Wikang Filipino. 
Tuwing Agosto ipinagdiriwang ang Wikang Filipino. Bilang isang mamamayang Pilipino isa tayo sa mga taong nagdiriwang nito. Bumabalik tanaw tayo sa ating kasaysayan kung paano nabuo ang Wikang Filipino. Maraming mga gawain ang bawat paaralan sa pagdiriwang. May iba’t-ibang patimpalak isa na rito ang tula, paggawa ng sanaysay, mga sayaw at iba pa. Sa buwang ito mas naiintindihan nating mga Pilipino ang kahalagahan ng Wikang Filipino. Hindi lamang sa buwan ng Agosto magdiriwang kundi dapat araw-araw dahil ginagamit natin ang ating wika bawat segundo, minuto at araw sa ating buhay. 
Sabi ng marami an Wikang Ingles ang mas mahalaga kumpara sa Wikang Filipino dahil sa ang Wikang Ingles ay ang pangunahing lenggwahe na mas ginnagamit nang karamihan kahit saan man sila magpunta sa mundo. Pero para sa akin at sa mga taong mas nakakaintindi sa kahalagahan ng Wikang Filipino ay ang Wikang Filipino parin ang napakahalaga dahil ito ang sumisimbolo sa ating katauhan bilang isang Pilipino, makakaya nating mapaunlad ang ating sariling bansa kahit ang ating sariling wika lamang ang ating gamitin katulad ng bansang Japan, mas pinahahalagahan nila ang kanilang sariling wika kaysa sa ibang wika kahit ganito napapaunlad parin nila ang kanilang bansa at ngayon isa ang kanilang bansa sa pinakamaunlad na bansa sa buong mundo. 
Sabi pa nga g ating bayani na si Dr. Jose Rizal ” Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda.” Kaya tayong mga Pilipino pahalagahan natin ang ating sariling wika at mahalin ng buong puso, hindi lamang sa salita kundi sa gawa. 
Mahalaga talaga ang wikang filipino sa kasalukuyan dahil nagpapatunay ito na mayroon tayong sariling wikang maipagmamalaki. 
Kailangan protektahan, ipagtanggol ito, mahalin, at higit sa lahat ay huwag nating ikakahiya ang ating wikang Filipino. 
Ipakita natin sa ating mahal na mga bayaning nagbuhos ng kanilang panahon para lamang magkaroon tayo ng wikang pansarili, para maibuklod ang ating bansa at hindi ito mapasama sa mga bansang walang sariling wika at nakikigamit lang ng wikang banyaga.

Sitwasyon ng Wikang Filipino

“Nasanay na ang mga Pilipino sa paggamit ng Ingles kung kaya’t ito ang inaasahang gagamitin sa iba’t-ibang larangan sa buhay. Hindi lamang ito tumutulong sa pagpapaunlad ng turismo ng bansa, ito rin ang kinakailangan sa patuloy na pagsulong ng globalisasyon.”Mula sa dyaryo, telebisyon, radyo at internet, mapapansin ang paggamit ng Ingles bilang paraan para ilahad ang mga mensahe sa mga tao. Nasusulat din sa wikang ito maging ang mga librong ginagamit sa pag-aaral. Kung kaya’t hindi nakapagtataka kung bakit marami ang nag-iisip na naghahari ang wikang Ingles.Kapansin-pansin ang malaking impluwensiya ng Ingles sa bokabularyo ng mga Pilipino, lalo na sa paggamit ng Taglish at Enggalog. Laganap ito lalo na sa mga mensaheng “text” tulad ng “dito na me” at “sino u.” Tinatawag ang ganitong penomenon na code- switching.Tunay na isang hamon sa wikang Filipino ang makasabay sa mga pagbabagong dulot ng modernisasyon para hindi ito matabunan ng mga dayuhang wika sa sariling bayan. Gaya ng sinabi ni Nadera, “sana masimulan muna ang pagkakaisa sa istandardisasyon. Tapos popularisasyon naman. Dapat pambansa muna. Sana pandaigdigan din balang araw.”

Wikang Filipino

Ang wikang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas—ang Ingles ang isa pa—ayon sa Saligang Batas ng 1987. Isa itong wikang Awstronesyo at ang de facto ("sa katotohanan") na pamantayang bersiyon ng wikang Tagalog, bagaman de jure ("sa prinsipyo") itong iba rito. Noong 2007, ang wikang Filipino ay ang unang wika ng 28 milyon na tao, o mahigit kumulang isangkatlo ng populasyon ng Pilipinas. 45 milyon naman ang nagsasabing ikalawang wika nila ang wikang Filipino. Ang wikang Filipino ay isa sa mga 185 na wika ng Pilipinas na nasa Ethnologue. Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, ang wikang Filipino ay "ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Kalakhang Maynila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo." Ang gustong makamit ng wikang Filipino ay ang pagiging pluricentric language, o ang wikang may iba't ibang bersiyon depende sa lugar na kung saan ito'y ginagamit. May mga "lumilitaw na ibang uri ng Filipino na hindi sumusunod sa karaniwang balarila ng Tagalog" sa Davao a tCebu, na bumubuo sa tatlong pinakamalaking metropolitanong lugar sa Pilipinas kasama ng Kalakhang Maynila.

Pagsilang at layunin

Ang isang layunin ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa ang pagpapalaganap ng pagkakaisang pambansa, ang pagkakaroon ng heograpiko at pampolitika na pagkakapatiran, at maging ang pagkakaroon ng isang sumasagisag na pambansang wika ng isang bansa. Unang sumibol ang diwa ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa sa Pilipinas noong balik-tanawin ni Manuel Quezon noong 1925 ang isang damdamin ng pagkabigo ng pambansang bayaning si Jose Rizal, nang hindi nito magawa ng hulíng makipag-ugnayan sa isang kababayang babae habang nasa isang barko patungong Europa.

Kasaysayan

Noong 13 Nobyembre 1936, inilikha ng unang Pambansang Asemblea ang Surian ng Wikang Pambansa, na pinili ang Tagalog bilang batayan ng isang bagong pambansang wika. Naimpluwensiyahan ang pagpili sa Tagalog ng mga sumusunod:
  1. Sinasalita ang Tagalog ng napakaraming tao at ito ang wikang pinakanauunawaan sa lahat ng mga rehiyon ng Pilipinas. Papadaliin at pabubutihin nito ang komunikasyon sa mga taumbayan ng kapuluan.
  2. Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya.
  3. Ang tradisyong pampanitikan nito ang pinakamayaman at ang pinakamaunlad at malawak (sinasalamin ang dyalektong Toskano ng Italyano). Higit na mararaming aklat ang nakasulat sa Tagalog kaysa iba pang mga katutubong wikang Awstronesyo.
  4. Ito ang wika ng Maynila, ang kabiserang pampolitika at pang-ekonomiya ng Pilipinas.
  5. Ito ang wika ng Himagsikan at ng Katipunan—dalawang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas.
Noong 1959, nakilala ang wikang ito bilang Pilipino upang mahiwalay ang kaugnayan nito sa mga Tagalog. Nagtakda naman ang Saligang Batas ng 1973 ng panibagong pambansang wikang papalit sa Pilipino, isang wikang itinawag nitong Filipino. Hindi binanggit sa artikulong tumutukoy, Artikulo XV, Seksiyon 3(2), na Tagalog/Pilipino ang batayan ng Filipino; nanawagan ito sa halip sa Pambansang Asamblea na mag-“take steps towards the development and formal adoption of a common national language to be known as Filipino.” Gayundin, nilaktawan ng Artikulo XIV, Seksiyon 6, ng Saligang Batas ng 1987, na ipinagbisa matapos ng pagpapatalsik kay Ferdinand Marcos, ang ano mang pagbabanggit ng Tagalog bilang batayan ng Filipino at mismong ipinagpatuloy na “as [Filipino] evolves, it shall be further developed and enriched on the basis of existing Philippine and other languages (pagbibigay-diin idinagdag).” Tiniyak pa ng isang resolusyon ng 13 Mayo 1992, na ang Filipino “ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Metro Manila, ang Pambansang Púnong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo (pagbibigay diin idinagdag).” Gayumpaman, tulad ng mga Saligang Batas ng 1973 at 1987, hindi nito ginawang kilalanin ang wikang ito bilang Tagalog at, dahil doon, ang Filipino ay, sa teoriya, maaaring maging anumang katutubong wikang Awstronesyo, kasama na ang Sugboanon ayon sa paggamit ng mga taga-Kalakhang Cebu at Davao. Ididineklara ang buwan ng Agosto bilang Buwan ng Wikang Pambansa

Mga naiibang pananaw at panukala

Bagaman naitakda na sa Saligang Batas at mga kaugnay na batas ang sariling katangian ng Filipino, may nananatili pa ring mga alternatibong panukala sa kung ano dapat ang maging katangian ng wikang Filipino. Gayumpaman, nararapat itong maibukod sa mga nagdaraing lamang na, sa kasalukuyan, ang Filipino ay de facto na iisa sa Tagalog at na ang pampublikong paggamit ng Filipino ay sa katotohanan ang paggamit ng Tagalog. Ngunit may pinagkaiba pa din ang Filipino sa Tagalog. Filipino ang kabuuang tawag sa wika ng Pilipinas.